Serving noise daily. Kain na!
Tutoy, nasa Kulto ka ba?
Iyan ang tanong ng Tita mo nung nakita niya yung logo namin. Iyan din ang tanong ng kapitbahay niyo tuwing nagpapatugtog ka ng Otso-otso ng alas-dos ng madaling araw habang hawak-hawak mo si Mingming.
Let’s set the record straight: Hindi kami “Adik.” Adik lang kami sa physical formats—Vinyl, Cassette, CD at Merch. Hindi kami Satanista. Porke hindi lang nakapag-deodorant kahapon, Dibil na agad! Naliligo kami. Amoy safeguard kami, promise!
So what is this place? Ang platform na ito ay sinumulan ng mga DIY seller, artist at collector, para sa kapwa enthusiast. Ramdam namin ang struggle niyo magscreenshot (ehem), kaya gumawa kami ng solusyon.
Dito, direct ang usapan. Kayo ang magka-transaction ng Seller/Label mula start hanggang finish. Ang Dibil Kitchen ay nagsisilbing meeting place—kami ang taga-host, taga-latag ng mesa, at taga-suporta sa eksena para tuloy-tuloy ang kendeng ni kolektor at may pangbili naman ng diaper si seller.
Dibil Kitchen is the “Merkado”.
We gather all the ingay in one kusina and serve them hot. Support lokal! We serve noise daily.
Email: admin@dibilkitchen.com
Phone: +63 969 170 1154
Address: 239 Purok 3, Brgy. Santiago 1, San Pablo City, Laguna, Philippines
